t u l a
 

ang pag-ibig  
ni daragang  
magayon  
(hango sa alamat ng bulkang mayon)  

ni lorna salvosa agpay  




(Para Sa Aking Handiong,
Sa Simbahang Luma
Daraga, Albay)

Aking pag-ibig, tangi kong mahal
Sa ating tagpuan ako'y naghihintay
Bawat oras at minutong dumaan,
Larawan mo, hirang, aking inaasam

Itong simoy ng hanging umaaliw sa akin
Sinugo ko na mahal, upang ika'y sunduin
Sa bawat takbo nitong aking orasan
Nanaginip akong kaharap 'yong larawan

Aking sinta, tanging iniibig
Kalungkota'y lagi nang kaniig
Mula nang magbiro ang kapalaran sa atin
At ika'y ilayo sa aking piling

Handiong, aking sinta,
Sa aking piling, magbalik ka
Itong aking luha, iyong pahirin
Aking pag-ibig, magbalik sa akin

Hawak ko pa mahal, itong ating punyal
Simula nang itarak, lagi nang kaulayaw
Simula nang dumaloy, dugo ng kamatayan
Tangi kong kapiling, bulkang aking libingan

Mahal, magbalik ka, hanguin ako sa aking libingan
Sirain ng pagmamahal, kaytaas na bulkan
Aking sinta, tangi kong pag-ibig
Sirain mong lahat ang sa ati'y balakid

Sa ibabaw nitong kaylungkot na simbahan
Hinihintay pa rin kita, o, aking mahal.






 

Burnay E-zine
tomo 2/bilang 6
1999

f i l i p i n o
Ang Pag-ibig
ni Daragang
Magayon

Lorna Salvosa Agpay

Kape at Luha
Jorgina Delfin

Paglalaba
Lorna Salvosa Agpay

Ang Hindi
Mo Masabi

Roy V. Aragon

Kay Sadiri,
Aking Usbong:
Alay-Tula

Roy V. Aragon

Ang Baliw
Roy V. Aragon

s a l a y s a y
Sadiay
Balnibarbi

Roy V. Aragon

s a r i t a
Ti Ligsay,
Ti Anniniwan,
Ken Ti Daton

Aurelio S. Agcaoili

d a n i w
Dagiti Ladawan
Iti Dakkel-Danum

Cles B. Rambaud

Daradara Ti Isem
Dagiti Darudar

Daniel L. Nisperos

No Nagmagan
Ti Lua Ti Ilik

Amado V. Hernandez

Ravenna
Peter La. Julian

Susik
Roy V. Aragon

n o b e l a
Sika A Prinsesa
Dagiti Rosas (4)

Pete B. Duldulao

g a l e r i a
Mayon
Robert S. Gardner

k d p y
Burburtia
Andy Barroga



 

isyus agipatulod ag-email ti makunak dap-ayan agpirma tungtongan dagiti editor