kape at luha
ni jorgina delfin
mula sa termos ng mga alaala
sang basong tubig
ang aking kinuha
hinaluan ng limang kutsarang asukal
upang tumamis ngunit mapakla
parang asin at luha
tatlong kutsaritang kape
aking ibinuhos
upang pumait nang tila lason ang ulos
unti-unti na inilapit sa bibig,
hinigop ang pait,
halika pagsakit, sa sikmura ko'y kumapit
Mabuti na lang
tinabig ng Pagmamahal
na nagmumula sa Dios na Dakila,
at imbis na ako,
Siya ang uminom ng aking kape at luha.