isang manunulat:
narito, alamin mo:
isang alipin, cielo l.
ni rio noviembre
(1)
paaalila pa rin ako sa panitik, cielo libertia
upang isatitik ko ang ating daigidig
sa walang hanggang ngayon:
tagpuan ng di paiwang lumipas
at ng di mapakaling bukas
(2)
at sa lirikang aawitin
at taludtorang bibigkasin
at atalatang lilimbagin
at diyalogong sasambitin ---
tula sa prosa
prosa sa tula
daloy-agos ng tinta
ng pawis dugo luha
ng pag-ibig, ng pagmamahal, ng pagsinta
sa iyo, sa iyo, cielo libertia:
malalagot ang tanikala
bubuka ang bintana
aawang ang pintuan:
durungawin ka, pasasaiyo
akong malayang-malaya
malayang-malaya, cielo libertia
(3)
ako'y alipin, cielo libertia
ng panitik na sa aki'y magpapamaging
isang manlilikha:
isasatitik ko sa daigdig
ang walang haggan sa kasalukuyan
ikaw, ikaw na kailaman sa aki'y di magmaliw
aking kalayaan aking buhay aking pangarap:
walang hanggang ideya
walang katapusang kasaysayan